When It Fades Into Nothing
FACT: A supernova's explosion travels billions of light years to reach the earth. What we're seeing, that extra bright twinkling star right there, that incredible burst of gases and energy and such, actually happened about 600 years ago.
An illusion or more like remnants of what's no longer there.
Pareho pa rin ang kislap sa mga mata mo.
May kaunting pagbabago nga lang.
May bahid ng kalungkutan na pinagtatakpan ng panandaliang tuwa
na dulot ng ating muling pagkikita.
Ang lamyos ng iyong boses sa tuwing sasambitin mo ang pangalan ko,
pareho pa rin ang tono.
Kahit na may katigasan na ito,
naroon pa rin ang lambing.
Ang hawak mo sa aking kamay,
ang iyong haplos,
ang mga maingat mong daliring dahan dahang gumagapang sa aking mukha,
siya pa ring nagbibigay ng kakaibang kabog sa aking dibdib.
Sa pagsalubong ng ating titig ang siyang gumising sa katotohanan.
Kung ano man ang naroon noon,
nandyan pa rin ngayon.
Hindi man kita lahat,
andyan lang.
Tignan mo lang ng mabuti.
'Kita mo ba?
'Kita ko eh.
O baka namalikmata lang ako.
Funny, isn't it? That blackholes are the invisible offspring of supernovas.
When a large star has burnt all its fuel it explodes into a supernova.
A bright, massive, magnificent display of light.
A visual fiesta twinkling in the velvet sky just before it goes into nothingness.
I'm still seeing the supenova though the blackhole sucked you in eons ago.
It won't be long now.
1Taunts
it kinda makes you wonder.. what happens after the black hole..
Post a Comment
<< Home